Iniatras ng National Citizens' Movement for Free Elections (NAMFREL) ang petisyon nito na maging election watchdog ng Commission on Elections (Comelec) sa halalan sa Mayo.
Sa harap na rin ito ng hindi pa pagpapalabas ng desisyon ang Comelec sa kanilang inihaing motion for reconsideration matapos una nang ibasura ang kanilang petition for accreditation.
Sinabi ni NAMFREL National Chairman Jose Cuisia Jr. na nabuo ang nasabing desisyon na pag-atras matapos konsultahin ang mga Metro Manila at provincial chairman.
Sa kabila naman ng nasabing hakbang, inihayag ni Cuisia na ipagpapatuloy nila ang kanilang pagiging election watchdog matapos ilunsad ngayong araw ang Bantay ng Bayan.
Katulad ng naging papel ng NAMFREL noong 1986 ang magiging papel ng Bantay ng Bayan.Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42