Friday, March 12, 2010
DEPED at CHED : pasok sa eskwela sa lahat ng antas sa Metro Manila, suspendido hanggang Byernes
Posted: 1:36 PM  09/29/2009

Buong linggo nang suspendido ang klase sa public at private elementary, high school at college sa Metro Manila.

Matapos ang Joint National Disaster Coordinating Council (NCCC) Cabinet Meeting sa Camp Aguinaldo kaninang umaga, inanunsyo ni Department of Education (DEPED) Secretary Jesli Lapus na wala nang klase hanggang sa Byernes sa Metro Manila, buong Cavite at mga bayan ng Santa Rosa at Mabitac at Calamba City sa Laguna.

Una nang sinabi ni Lapus sa DZMM Teleradyo na patuloy kasi ang pagsasaayos ng DEPED sa mga eskwelahan dahil 140 schools ang ginagamit pa ring evacuation centers.

Para sa Rizal province, nasa disposisyon na ng local authorities ang pagdedeklara ng suspensyon, depende sa lagay ng kanilang lugar.

Nag-anunsyo rin naman ang Commission on Higher Education (CHED) na wala pa ring pasok ang lahat ng kolehiyo sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity kabilang na ang Metro Manila hanggang sa Sabado, October 3.

Gayunman, sinabi ni CHEC Chairman Emmanuel Angeles na hindi kasali rito ang mga medicine at nursing students, pati na ang ROTC na patutulungin sa paglilinis sa mga evacuation center.

Click here for more news!

 
© 2008 DZMM 630. All Rights Reserved.Terms of UsePrivacy Statement